Si Boy (Robin Padilla) ay isang matapat na bumbero na parating inaasahan sa kanilang lugar dahil sa kanyang pagiging bayani sa oras ng pangangailangan. Sa kabila nito, si Boy ay iniwan ng kanyang nobya matapos siyang bigyan ng isang anak. Nag-aalala si Boy na ang kanyang anak (Rhap Salazar) sa kawalan ng ina ay pawang nagiging alanganin ang kasarian. Si Baby (Ai-Ai delas Alas) naman ay isang beterenaryo na malas sa pag-ibig hindi pa nakakaranas na seryosohin ng mga lalaki, subalit mayisang inaasam: ang maging ina. Magku-krus ang landas ni Boy at Baby kung saan ililigtas ni Baby ang buhay ni Boy. Dahit sa laki ng kanyang pasasalamat sa doktora, nagbitiw si Boy ng salita sa publiko, na anuman ang hilingin nito ay ibibigay niya. Sinagot ito ni Baby na ang hiling niya'y si Boy ang maging ama ng kanyang anak. Napasubo si Boy at dahil nakataya ang kanyang salita, ngayon siya’y naguguluhan kung paano niyang tutuparin ang kanyang pangako kay Baby sa kabila ng pagtutol ng lahat. | advertisement |